Karma

146 3 2
                                    

Naniniwala ako sa karma,
'Yong karmang pangit talaga.
Nakaranas na rin kasi ako nito
Kaya nga medyo maingat na ako.

Hanggat maaari ay gusto kong siguraduhin
Na sa isang tao ako'y may pagtingin.
Mahirap nang makasakit ako
Ng damdamin uli ng ibang tao.

Inaamin kong di ako perpekto
Kasi nagkamali na rin ako.
Pinaniwala kong mahal ko ang isang tao
Kahit ang lahat ng 'yon ay di totoo.

Syempre nasaktan ko sya
Dahil akin syang pinaasa.
Hindi ko naman sinasadya
Pero nagmukha akong masama.

At dahil doon ay nakarma ako,
Nakatagpo ako ng taong manloloko.
Minahal ko sya pero ako'y kanyang sinaktan,
Pangit na karmang ako'y binawian.

#Hugot Poems (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon