Sawi o Panalo?

133 6 5
                                    

Sawi nga ba ang tawag sa taong mag-isa
Na lumabas sa dating relasyon nya?
O panalo ba ang dapat na tawag sa kanya
Dahil kinakaya nyang wala syang kasama?

Sawi ba sya kung sya'y nasasaktan
At umiiyak na parang walang planong tumahan?
O panalo ba sya dahil nailalabas nya
Ang sama ng loob na kanyang dala-dala?

Sawi ba sya kung manhid ang kanyang puso
Na nagmahal lang dati ng buong-buo?
O panalo ba sya dahil kanyang nakakaya
Na hintayin ang taong tama para sa kanya?

#Hugot Poems (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon