Ipinagtatanong mo kung kumusta ako,
Bakit ano pa bang pakialam mo?
Iniwan mo ako, naaalala mo ba?
Kaya h'wag ka nang magtanong pa.Oo, mag-isa pa rin ako hanggang ngayon
Kasi ang pakikipagrelasyong muli ay di ko pa intensyon.
H'wag mong isipin na mahal pa rin kita
Kasi matagal ko nang tinanggap na wala ka na.Isipin mo kahit ano pang naisin mo
Pero ako'y wala na talagang gusto sa 'yo.
Mag-isa ako kasi ito ang pinili ko,
Ang ipahinga muna ang aking puso.Masaya ako kahit ako ay mag-isa,
Ang maging malaya ay namiss ko rin talaga.
Ginagawa ko ang lahat ng aking gusto
Habang ako'y naghihintay sa taong higit sa 'yo.
BINABASA MO ANG
#Hugot Poems (Book 1)
Poetry(Mga tulang bigla na lang sumagi sa isip dahil sa bagay na ginawa o ginagawa.) Please follow me and check out my #Hugot Poems (Book 2) and my first novel, The Right One, on this link: https://www.wattpad.com/story/81000656-the-right-one. Thanks a lo...