Naniniwala Ka

134 1 0
                                    

Naniniwala kang para sya sa 'yo
At hindi lang isang taong nakipaglaro
Sa damdamin mo noong araw
Kaya umaasa kang sya'y muli mong matatanaw.

Naniniwala kang sya ang tao
Na syang kukumpleto sa 'yong pagkatao.
Kasama sya sa bawat panalangin mo,
Hiling mong magkita muli kayo.

Naniniwala ka na may dahilan
Kung bakit sa puso mo sya'y nanirahan.
Hindi para sya'y dumaan lang sandali
Kundi para doon ay habambuhay na manatili.

#Hugot Poems (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon