Parang kidlat ang pagdating mo
Kasi talagang ginulat mo ako.
Kung kailan ako may sariling mundo,
Saka mo naman naisipang guluhin ito.
Pero sobrang ayos lang naman
Kasi sa aking mundo ako'y iyong sinamahan.
Nakakatuwa kasi di natin kailangang magsalita,
Sa kilos at tingin palang ay nagkakaintindihan na.
Batid natin ang iniisip at gusto ng bawat isa
At para bang mga puso natin ay mag-isa.
Malinaw na ito'y magandang patunay
Na tayong dalawa'y may pag-ibig na tunay.
Sa totoo lang ay kay tagal kitang hinintay
At sa mahabang panahon, ako'y parang pilay.
Pero sulit talaga ang aking paghihintay
Kasi sa piling mo ay mas magandang buhay.
Maraming salamat kasi ikaw na talaga 'yon---
Ang taong sa aking dasal ay tugon.
BINABASA MO ANG
#Hugot Poems (Book 1)
شِعر(Mga tulang bigla na lang sumagi sa isip dahil sa bagay na ginawa o ginagawa.) Please follow me and check out my #Hugot Poems (Book 2) and my first novel, The Right One, on this link: https://www.wattpad.com/story/81000656-the-right-one. Thanks a lo...
