Ikaw ang taong mabenta ngayon
At takaw eksena sa ibang relasyon.
Natutuwa kang makakuha ng atensyon
Kahit masira ang 'yong reputasyon.Sa totoo lang ay hindi ka pangit
Pero bakit ba gusto mong nakikisabit?
Wala ka bang tiwala sa sarili mo?
Bakit di ka kumuha ng talagang para sa 'yo?Baka naman talagang natutuwa ka lang
Na ang isang relasyon ay tumabang.
Gustong-gusto mong napapasaiyo
Ang maling taong minahal mo.Alam mo bang dahil sa 'yong ginagawa
Halatang ikaw ay kaawa-awa?
Ayos lang kasi sa 'yong nakikihati ka
Sa taong pagmamay-ari na ng iba.
BINABASA MO ANG
#Hugot Poems (Book 1)
Poetry(Mga tulang bigla na lang sumagi sa isip dahil sa bagay na ginawa o ginagawa.) Please follow me and check out my #Hugot Poems (Book 2) and my first novel, The Right One, on this link: https://www.wattpad.com/story/81000656-the-right-one. Thanks a lo...