Ulan

1.8K 33 7
                                    

Sige lang, ulan, bumuhos ka
Gaya ng luha, tuluy-tuloy ba.
Kung masama ang loob mo,
Magtiwala ka, 'yan ay magbabago.
Sige lang, 'wag mong pigilan,
Maraming patak pa bago mo tigilan.



Ulan, ngayon ay humihina ka,
Parang pagod ka na at patigil na.
O baka naman namamahinga ka lang
At mamaya ang banat mo ay kaabang-abang
Anong plano mo sa 'yong binasa
Pupunasan mo ba o hahayaang kusang mawala?

#Hugot Poems (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon