Kung maibabalik ko lang ang panahon,
Sasamantalahin ko ang pagkakataon.
Hahayaan kong hawakan mo ako
Kahit pa sa harap ng maraming tao.
Kung maibabalik ko lang ang panahon,
Hindi ko hahayaang ikaw ay ikahon
Sa makasariling mundo nya
Na talagang binuo nya para ika'y kanyang makasama.
Kung maibabalik ko lang ang panahon,
Hindi ko nanaising tumalon
Papunta sa panibagong trabaho
Para lang makalayo sa iyo.
Kung maibabalik ko lang ang panahon,
Sisiguraduhin kong sabay tayong aahon
Mula sa ating mga nakaraan
Na dahil sa "atin" ay pinili nating iwan.
BINABASA MO ANG
#Hugot Poems (Book 1)
Poetry(Mga tulang bigla na lang sumagi sa isip dahil sa bagay na ginawa o ginagawa.) Please follow me and check out my #Hugot Poems (Book 2) and my first novel, The Right One, on this link: https://www.wattpad.com/story/81000656-the-right-one. Thanks a lo...
