Para sa 'yo ay isang magandang ngiti
Sa araw-araw ang aking bati.
Nagpapasalamat ako sa 'yong pagdating
Dahil sa pagkakahimbing ako'y nagising.Simula ka ng isang araw---
Araw na sa ganda'y nag-uumapaw.
Pag-asa ang dala-dala mo
Na mas maganda pang bagay ang magagawa ko.Kung pangit man ang aking kahapon,
Kakalimutan ko 'yon sa aking pagbangon.
Babangon ako at masayang tatalon
Para salubungin ang bigay mong bagong pagkakataon.
BINABASA MO ANG
#Hugot Poems (Book 1)
Poesía(Mga tulang bigla na lang sumagi sa isip dahil sa bagay na ginawa o ginagawa.) Please follow me and check out my #Hugot Poems (Book 2) and my first novel, The Right One, on this link: https://www.wattpad.com/story/81000656-the-right-one. Thanks a lo...