Inspirasyon

171 7 2
                                        

Inspirasyon ka ngang matatawag,
Dahil sa 'yo, ako'y lalong sumisipag.
Lahat ng gawain ay parang kaya ko,
Grabe lang talaga ang epekto mo.

Inspirasyon kita saanman magpunta,
Hindi ka maalis sa dilat kong mga mata.
Malinaw na malinaw ang 'yong mukha,
Mukha mong walang kahawig na iba.

Inspirasyon kita sa bawat araw,
Mukha mo lang ang aking natatanaw.
Ang dali mong mabuo sa 'king isip,
Ang bilis mo ring lumabas sa 'king panaginip.

#Hugot Poems (Book 1)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon