Rambutan

238 1 0
                                    

Mapula at parang mabuhok,
Rambutan na isang tumpok.
'Yan ang isinalubong sa akin
Pagkarating na pagkarating ko sa 'min.

Galing pala ang rambutan sa aking kaibigan
Na hindi ko nakita ng ilang buwan.
Abala lang kasi ako masyado
Sa pinasukan kong trabaho.

Rambutan, sana buwan-buwan ay andyan ka
Para hindi ko kailangang maghintay pa
Sa 'yong matagal na pagbabalik
Na lalo sa 'king nagpapasabik.

#Hugot Poems (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon