May mga lalaking patago kung humanga,
'Yong gustong-gusto ka pero hindi lang halata.
Gaya mo na mukha lang suplado
Pero sa 'kin pala'y sobra ang pagkagusto.
Wala kang imik kapag nasasalubong kita
Kahit nga ngumiti ay ipinagdadamot mo pa.
Nakatingin ka lang pero parang di ako nakikita
Ngunit sa loob mo ikaw ay napakasaya na.
Iniiwas mo lang ang 'yong tingin
Kapag ako sa 'yo ay napapatingin.
Pero sa oras na di kita pinapansin
Doon ka naman panay nakaw ng tingin.
Hindi talaga halatang gusto mo ako
Sa pagtatago mong 'yan ika'y panalo.
Ngunit ito ha aaminin ko sa 'yo,
Dahil dyan, nabihag mo ako.

BINABASA MO ANG
#Hugot Poems (Book 1)
Poetry(Mga tulang bigla na lang sumagi sa isip dahil sa bagay na ginawa o ginagawa.) Please follow me and check out my #Hugot Poems (Book 2) and my first novel, The Right One, on this link: https://www.wattpad.com/story/81000656-the-right-one. Thanks a lo...