Lihim na Pagtingin

407 11 4
                                    

Nasa ulap lang ang pakiramdam ko,
Kapag kausap ka, ako'y parang hilo.
Damang-dama ko na lumulutang ako
At hindi ko maitago ang pag-ibig ko sa 'yo.


Naririnig mo ba ang kaba ng dibdib ko
At ang pagsigaw nito sa pangalan mo?
Taranta man ako kapag kaharap ka,
Ipagpatawad mo kasi mahal kita.


Halata mo kaya ang aking pagtingin?
Iniisip ko kung 'yon ba'y iyong pansin.
Paano na lang kung malaman mo?
May pag-asa bang mahalin mo rin ako? 


#Hugot Poems (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon