Bakit

243 8 10
                                    

Bakit kailangang balikan
Ang hindi magandang nakaraan
Gaya ng panahong kasama mo sya
Na hindi naman naging maganda?

Bakit kailangang panghinayangan
Ang mga bagay na hindi na kailangan
Kung wala ka na ring magagawa
Para ang mga 'yon ay iyong itama?

Bakit kailangan pang alalahanin
Ang mga taong hindi dapat angkinin
Na sya lang nagpahirap sa 'yo
At nagbigay ng sakit ng ulo?

Bakit hindi mo sya makalimutan
Kahit alam mong wala na kayong patutunguhan?
Pansin mo bang pilit man kayong magbago,
Kapalaran na ang kumokontra sa inyo?

Bakit hindi mo matanggap
Na wala sa isa't isa ang inyong hanap?
Bakit hindi nyo pa tanggapin
Na ang isa't isa ay hindi nyo na kayang mahalin?

#Hugot Poems (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon