Ayaw ko talagang nakikita kita,
Lalong ayaw kong makasabay ka.
Ewan ko ba kung bakit,
Basta hindi ko gusto ang tingin mong malagkit.Sa totoo lang, hindi ka naman pangit
Pero para akong pinagsasakluban ng langit.
Kapag ikaw ay aking nakakasabay,
Umaga palang, asahan mong ako'y umay.May tao yata talagang ganoon,
Hindi mo na gusto sa una mong paglingon.
Kahit anong gawin nya ay hindi uubra
Sa pakiramdam mong mabigat sa kanya.
BINABASA MO ANG
#Hugot Poems (Book 1)
Poesía(Mga tulang bigla na lang sumagi sa isip dahil sa bagay na ginawa o ginagawa.) Please follow me and check out my #Hugot Poems (Book 2) and my first novel, The Right One, on this link: https://www.wattpad.com/story/81000656-the-right-one. Thanks a lo...