Bakod

98 1 0
                                    

Noong una ako'y tuwang-tuwa,
Para kasing ako'y iyong alagang-alaga.
Bakod ka rito, bakod ka roon,
Ayos pa sa 'kin ang ibinibigay mong atensyon.

Pakiramdam ko pa nga ako'y hardin
Na binabakuran mo para maangkin.
Pero di nagtagal at ako'y nasakal,
Ang bakod mo'y gusto ko nang matanggal.

Wala na talaga akong makitang iba,
Dahil sa 'yo, nahaharangan mo sila.
Pwede ba, gusto kong makahinga
Kaya ang bakod mo'y pakitanggal na.

Bakod ka rito, bakod ka roon,
Pakiramdam ko ako sa 'yo'y nababaon.
Hayaan mong ako'y makagalaw ng ayos
Kung ayaw mong ang relasyon natin ay matapos.

#Hugot Poems (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon