Titigan, dyan tayo magaling, di ba?
Hindi nga lang 'yan pansin ng iba.
Pero sa larangang 'yan tayo'y may ibubuga
Kahit pa tayo ay bantayan nila.Hindi nakakapagod ang titigan,
Kahit anong oras pwede nating gawin 'yan.
Magtama lang ang ating mga paningin,
Simula na 'yan ng pagalingan natin.Pero bakit kaya ganoon ha?
Sabay ng ating titigan ay ang kaba,
Kabang nadarama natin talaga
Na sinisimulan ng ating mga mata.Titigan, 'yan ang isang patunay
Ng ating pagtitinginang tunay.
Kailan kaya natin bibigkasin
Na ang isa't isa'y mahal natin?
![](https://img.wattpad.com/cover/81384774-288-k169084.jpg)
BINABASA MO ANG
#Hugot Poems (Book 1)
Poetry(Mga tulang bigla na lang sumagi sa isip dahil sa bagay na ginawa o ginagawa.) Please follow me and check out my #Hugot Poems (Book 2) and my first novel, The Right One, on this link: https://www.wattpad.com/story/81000656-the-right-one. Thanks a lo...