Pantay o Hindi?

95 1 0
                                        

Iniisip ko kung pantay ba ang pagmamahal
Ng dalawang taong nagmamahal,
Mas matimbang ba umibig ang isa?
O mas magaling lang magpigil ang isa pa?

Kung pantay nga ang pagmamahal,
Bakit ang isa'y parang nasasakal?
Bakit mayroong walang tigil sa pag-iyak
At mayroon namang parang nagagalak?

Pantay ba o hindi ang pagmamahal
Ng dalawang taong nagtatagal?
O magaling lang ba silang manimbang
Kaya ang iba sa kanila'y nalilibang?

#Hugot Poems (Book 1)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon