May mga taong magaling magtrabaho
Pero walang pakisama sa ibang tao.
Gusto lang nila'y kumita ng pera
At lumigaya ang mga sarili nila.May mga tao namang hindi ganoon kagaling
Pero sa pakikisama naman sa iba'y magaling.
Palakaibigan sila sa halos lahat ng kasama
At hindi makasarili na gaya ng iba.May mga tao namang balanse kung magtrabaho
Magaling sa mga gawain at pakikipagkapwa-tao.
Alam nila ang tamang pakikitungo sa iba---
'Yong hindi mahigpit o sobrang maluwag ba.

BINABASA MO ANG
#Hugot Poems (Book 1)
Poetry(Mga tulang bigla na lang sumagi sa isip dahil sa bagay na ginawa o ginagawa.) Please follow me and check out my #Hugot Poems (Book 2) and my first novel, The Right One, on this link: https://www.wattpad.com/story/81000656-the-right-one. Thanks a lo...