Pampatulog

288 2 3
                                    

Ilang gabi na akong natutulog ng nakasalamin,
Salamin na pag mainit lang dapat gamitin.
Kakaiba rin ang trip ko, di ba?
Baka nga isipin nyong ako'y baliw na.

Takot kasi talaga ako sa dilim,
Nanaisin ko pang tumalon sa balong malalim.
Ayaw kong matulog sa dilim mag-isa
Dahil baka kung ano pa ang aking makita.

Kaya nag-iiwan ako ng isang ilaw
Para hindi dilim ang mangibabaw.
Kailangan ko nga lang ng salamin
Para ako'y makatulog ng mahimbing.

Nakasalamin ang aking bagong porma
Na talagang nagugustuhan ko na.
Hindi na kasi putol-putol ang aking tulog
Ng dahil sa salamin na sya ko nang pampatulog.

#Hugot Poems (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon