Paano?

241 4 0
                                    

Paano kita makakalimutan?
Pakiusap, sabihin mo naman.
Sa panaginip ko'y madalas kang andoon,
Kaya paano ako makakabangon?

Paano ka mawawala sa isip ko
Kung ang daming nagpapaalala sa 'yo?
Nakikita ko ang pangalan mo kung saan,
Minsan pa nga ay naririnig ko 'yong binabanggit ng ilan.

Paano ka maaalis sa puso ko
Kung malaking bahagi nito ay parang nabili mo?
Subukan ko mang ilagay dito ang iba,
Parang hindi rin naman umuubra.

#Hugot Poems (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon