Nakatingin ka sa dalawang litrato,
Ang isa ay luma at ang isa ay bago.
Iniisip mo kung ano bang mas gusto mo,
'Yong dating ikaw o 'yong ikaw na bago.
Sa lumang litrato ay inosente ka pa,
Sa pag-ibig ay para ka lang tanga.
Sa bagong litrato ay matalino ka na,
Alam mo na kung ano para sa 'yo ang mahalaga.
Ngunit bakit parang hindi ka makapili
Sa dalawang larawan na hawak mo palagi.
Tingin mo ba'y may magbabago pa
Sa buhay mo ngayon na mayroon ka?
Tanggapin mo na ang dalawang litratong 'yan
Ay patunay lang ng 'yong mga pinagdaanan.
Kung sino ka man noon at ngayon
Ay hindi magbabago kahit ang mga 'yan ay iyo pang ikahon.
Buti pang ang mga 'yan ay iyo nang itago
At bumuo ka ng mga panibagong litrato
Na nagpapakita kung ano ka bilang tao
At maidadagdag mo sa mga luma mong litrato.

BINABASA MO ANG
#Hugot Poems (Book 1)
Poetry(Mga tulang bigla na lang sumagi sa isip dahil sa bagay na ginawa o ginagawa.) Please follow me and check out my #Hugot Poems (Book 2) and my first novel, The Right One, on this link: https://www.wattpad.com/story/81000656-the-right-one. Thanks a lo...