Artista sa Paningin

102 2 2
                                        

Hindi kita nakikita sa telebisyon,
Kahit sa mga babasahin ay wala ka roon.
Ngunit para sa 'kin ay artista ka,
Artistang maningning pero di kilala.

Maganda ang mukha mo,
Ang kabaitan mo'y kita sa 'yo.
Magaling kang sumayaw at kumanta,
Halos sa lahat ng bagay ay may ibubuga ka.

Artista ka kung aking ituring,
Artistang walang kayabangan ang dating.
Ngiti mo palang ay panalo na
Lalo na kapag ika'y umimik pa.

Isa kang taong hindi mapagmataas
Pero para sa 'kin ika'y nasa itaas.
Hinahangaan talaga kita
Kasi ika'y palakumbaba talaga.

#Hugot Poems (Book 1)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon