Dagat

134 3 0
                                    

Ang sarap maupo at ika'y pagmasdan,
Ang maglakad sa tabing-dagat ay akin ding kinaaaliwan.
Nakakatuwa kasi para kang nakadikit
At para kang kasundo lang ng langit.

Pero sa kabila ng ganda at lawak mo,
Ako'y natatakot talaga sa 'yo.
Marunong naman akong lumangoy
Pero sa 'yo hindi ko 'yon itutuloy.

Alam kong maganda ang ilalim mo,
Isang makulay at kakaibang mundo.
Pero maraming hiwaga ang nariyan
Na hindi ko pinangarap tuklasin naman.

Sapat na sa 'kin ang lumangoy sandali
At magtampisaw sa isang tabi.
Ayos din sa 'kin na panoorin ka
Habang parang sumasayaw ka kasabay ng musika.

#Hugot Poems (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon