Nakakakilig

161 6 2
                                    

Nakakakilig lang ang pagdating mo,
Ang pag-ibig na ginulat lang ako.
Hindi ko talaga inaasahan na makikilala kita
Sa panahong ako ay nagsasaya.

Hindi ko alam noon kung anong hitsura ko
Basta sigurado akong nakakatuwa ito.
'Yon ang sandaling ako ay nag-iingay
Pero sa kagwapuhan mo ako'y biglang natangay.

Ewan ko ba pero parang natuwa ka pa
Sa kaingayan kong nakakaabala sa iba.
Kita ko kasing ngumiti ka noon,
Ngiting tila bigla akong ikinahon.

Nakakakilig ka lang, pag-ibig ko,
Sa tinginan palang natin ay lunod na ako.
May kakaibang saya talaga akong nararamdaman
Tuwing ako ay iyong sinusulyapan.

#Hugot Poems (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon