Bagyo

103 2 3
                                    

Bagyo lang talaga ang dating mo
Tuwing nagkukwento ka tungkol sa 'yo.
Para bang ako ay liliparin
Sa tindi ng 'yong dalang hangin.

Bagyo kang mahirap iwasan
Kasi madalas kitang naaabutan.
Ewan ko ba kung bakit ka ganyan,
Mas matindi ka pa sa mga bagyong nagdaan.

Kapag kausap ka, para akong mabubuwal
At sa posisyon ko'y di ako tatagal.
Kailangan ko pa talagang kumapit
Kasi ang hangin mo'y walang kasing bait.

#Hugot Poems (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon