Kaibigan Lang

160 6 4
                                    

Alam kong ako sa 'yo'y kaibigan lang
Pero bakit ang puso ko'y nag-aabang
Na itong pagmamahal ko'y masuklian
Ng pagtingin mong kahit panandalian?

Oo, andito ako palagi para sa 'yo
Pero iba naman ang sinusuyo mo.
Kahit minsan naman ay tingnan mo ako
Bilang taong mahigit pa sa kaibigan mo.

Kaibigan lang, 'yan ako para sa 'yo,
Pero di na ba talaga 'yan magbabago?
Hindi mo ba ako kayang mahalin
Gaya ng kaya ko sa 'yong gawin?

Masakit talaga na magkalapit tayo
Kung ang puso mo'y may ibang gusto.
Kahit ano pang gawin ko para mahalin mo,
Para sa 'yo'y kaibigan lang talaga ako.

#Hugot Poems (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon