Huli ko ang madalas na pagtitig mo,
Ang pagtitig mo na naiilang ako.
Hindi ka naman pala suplado,
Nagkamali ako ng pagkakakilala sa 'yo.Akalain mong madalas kitang makita,
Mga pagkakataong sinadya ba talaga?
Hindi mo ako pinapansin noon,
Pero isang insidente lang at ako'y iyong nilingon.Nagtama ang ating paningin
At ang ngiti mo'y tila ako inangkin.
Marunong ka naman palang ngumiti,
Magandang ngiti na noon lang sa 'kin bumati.Matapos ang insidenteng 'yon,
Lagi mo na akong nililingon.
Nahuhuli pa nga kitang madalas
Na tumititig sa 'kin ng wagas.

BINABASA MO ANG
#Hugot Poems (Book 1)
Poesía(Mga tulang bigla na lang sumagi sa isip dahil sa bagay na ginawa o ginagawa.) Please follow me and check out my #Hugot Poems (Book 2) and my first novel, The Right One, on this link: https://www.wattpad.com/story/81000656-the-right-one. Thanks a lo...