Nagustuhan ko ang mga "Precious Pelikula"
Na aking pinanood kanina.
Nakakatuwa ang mga kwento
Na sa mga manonood ay may ibinibigay na bago.Kaya naman sa aking sobrang pagkatuwa,
Biglang nawala sandali ang aking kaba.
Pumayag ako bigla sa nanghingi sa 'kin ng kumento
Tungkol sa maiikling pelikulang napanood ko.Nakakatuwa at nakakahiya ang nangyari
Kung bakit ay hindi ko na masasabi.
Basta sinabi kong 'yong kwento na gawa ng kaibigan ko
Ang syang talagang gusto kong manalo.Hindi dahil sa kaibigan ko sya,
Kundi maganda talaga ang pagkakagawa
Ng pelikulang pinagbutihan talaga
Ng kaibigan ko at ng direktor na katulong nya.

BINABASA MO ANG
#Hugot Poems (Book 1)
Poezja(Mga tulang bigla na lang sumagi sa isip dahil sa bagay na ginawa o ginagawa.) Please follow me and check out my #Hugot Poems (Book 2) and my first novel, The Right One, on this link: https://www.wattpad.com/story/81000656-the-right-one. Thanks a lo...