"Weird" Mo

109 1 2
                                    

Alam mo bang ang "weird" mo?
Kung "weird" ako, mas malala ka sa totoo.
Madalas kang nagsasalita sa pwesto mo
Na talaga namang ikinakagulat ko.

Malamang 'yan ang dahilan
Kung bakit ilan lang ang 'yong kaibigan.
Hindi dahil sa hindi ka mabait,
Ayaw lang nilang mawalan ng bait.

Mahabang pasensya kasi ang kailangan
Kung ika'y kanilang magiging kaibigan.
Hindi madaling sakyan ang mga trip mo,
Mga trip mong ikaw lang ang may gusto. 

#Hugot Poems (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon