Tagumpay

119 4 2
                                    

Aanhin ko ang yaman at katanyagan
Kung ikaw sa 'kin ay wala naman?
Hindi naman mahalaga ang mga materyal na bagay
At ang maingay na buhay na dala ng kasikatan.

Para sa 'kin ang tunay na tagumpay
Ay ang makasama ko ang mahal kong tunay.
Kaya naiisip mo ba kung anong mangyayari
Kung walang gaya mo sa 'king tabi?

Kaya tulungan mo akong magtagumpay,
Ang buhay na ito'y harapin natin ng sabay.
Hawakan mo ang aking kamay
At sa mundong ito'y sabay tayong maglakbay.

#Hugot Poems (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon