Problema ba talaga kapag wala kang dyowa?
Narinig ko kasing problema ito para sa iba.
Nakakatawa na nakakaawa lang, hindi ba?
Kasi binibigyan nila ng sakit ng ulo ang mga sarili nila.Kapag problema 'yan para sa kanila,
Ano naman kayang solusyon ang binabalak nila?
Malamang makukuntento na sila sa "pwede na"
Para lang sila'y masabing may kasama.Sa tingin ko pag ganito ang ginawa nila
Ang salitang "problema" ay magkakatotoo na.
Maaari naman kasing hindi problemahin
Ang taong hindi mo dapat hanapin.

BINABASA MO ANG
#Hugot Poems (Book 1)
Şiir(Mga tulang bigla na lang sumagi sa isip dahil sa bagay na ginawa o ginagawa.) Please follow me and check out my #Hugot Poems (Book 2) and my first novel, The Right One, on this link: https://www.wattpad.com/story/81000656-the-right-one. Thanks a lo...