Laking pasalamat mo na nakilala mo sya---
Isang taong ayaw mong mawala na.
Natutunan mo na syang mahalin,
Isang kaibigan na hindi mo pwedeng angkinin.Kapag masaya sya ay nasa tabi ka nya,
Nagdidiwang kayo na parang mga tanga.
Maligaya ka para sa mga nagawa nya
At hangad mong lagi syang masaya.Kapag malungkot sya at may problema,
Nariyan ka rin para damayan sya.
Handa kang makinig sa lahat ng sasabihin nya
Para lang gumaan ang kanyang problema.Kapag umiiyak sya ay nasasaktan ka,
Damang-dama mo ang pinagdadaanan nya.
Ang balikat mo ay ipinagagamit mo pa
Para lang maramdaman nya na nariyan ka.Hindi mo gustong may kasama syang iba
Kasi para bang balewala ka sa kanya.
Nagpapanggap kang masaya sa harap nya
Kahit pakiramdam mo ay mamamatay ka na.
BINABASA MO ANG
#Hugot Poems (Book 1)
Poezja(Mga tulang bigla na lang sumagi sa isip dahil sa bagay na ginawa o ginagawa.) Please follow me and check out my #Hugot Poems (Book 2) and my first novel, The Right One, on this link: https://www.wattpad.com/story/81000656-the-right-one. Thanks a lo...