Puyat

440 10 10
                                    

Hatinggabi na pero ako'y gising pa.
Wala naman akong hinihintay na bisita.
Wala rin akong iniisip na kung ano
Kaya malamang naaalala mo ako.

Kung sino ka man, salamat
Dahil ang mga mata ko'y nananatiling mulat---
Mulat na nakatitig sa dilim
At tila nag-aabang ng isang lihim.

Ano ba talaga ang iniisip mo
Na nakakaabala sa pagtulog ko?
Kung gusto mo ako, sabihin mo
At h'wag mong pasakitin ang aking ulo.

#Hugot Poems (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon