Amnesia Kuno

92 3 2
                                    

Naghiwalay kayo ng hindi maganda,
'Yon bang may galit lang sa isa't isa.
Kaya naman tingnan nyo kayo ngayon,
Kung kumilos ay parang di naging kayo noon.

Para kayong may mga "amnesia"
Na kinalimutan na ang isa't isa.
Kahit kayo magbangga o magkita,
Ang isa't isa'y parang di nyo kilala.

Nauntog ba kayo kaya nagkahiwalay?
O nabangga ng sasakyan sa may tulay?
Bakit tila inyo na agad nalimot
Ang nakaraan nyong di naman ganoon kasalimuot?

Kayo ba ay hindi maaaring maging magkaibigan?
Nagsimula naman kayo dati sa pagkakaibigan.
Ang pangit na nakaraan ba'y di kayang kalimutan?
Bakit di ang masasayang nangyari na lang ang balikan?

Siguro nga masyadong maaga pa
Para kayong dalawa'y magkasundo na.
Tama sigurong kayo'y magmukhang may "amnesia"
Habang ang sakit na inyong nadarama'y sariwa pa.

#Hugot Poems (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon