Sabi nila maririnig mo ang tibok ng 'yong puso
Kapag ang taong para sa 'yo ay nakilala mo.
Kaya ngayon ay malinaw na sa 'kin
Kung bakit ako'y handa kang hintayin.Sa 'yo ko lang naramdaman na ako'y tunay na nagmamahal,
Pagmamahal na para lang bang banal
Kasi ako'y naniniwala at nagtitiwala sa 'yo
Malayo ka man at di ko tanaw ang mukha mo.Ganoon nga yata ang tunay na pag-ibig
Hindi mo maipaliwanag, basta ika'y umiibig.
Ramdam mong mahal ka rin nya
At paninindigan mo 'to sa harap ng iba.

BINABASA MO ANG
#Hugot Poems (Book 1)
Poesia(Mga tulang bigla na lang sumagi sa isip dahil sa bagay na ginawa o ginagawa.) Please follow me and check out my #Hugot Poems (Book 2) and my first novel, The Right One, on this link: https://www.wattpad.com/story/81000656-the-right-one. Thanks a lo...