Pakiusap, kalimutan mo na sya
Dahil may mahal na syang iba.
Tulungan mo ang sarili mo
Na makalimot gaya ng gusto ko.Pakiusap, marami namang iba dyan
Na kaya kang mahalin at ipaglaban.
Hindi mo kailangang mabuhay
Ng sya ang kumokontrol sa 'yong buhay.Pakiusap, tigilan mo na nga
Na isipin at habulin pa sya.
Ipakikilala kita sa kaibigan ko
Na sa tingin ko'y makakasundo mo.Pakiusap, tama na ang pagpapakatanga
Sa taong masaya na sa iba.
Mahalin mo naman ang sarili mo
At subukan mong magmahal ng bago.
BINABASA MO ANG
#Hugot Poems (Book 1)
Poesía(Mga tulang bigla na lang sumagi sa isip dahil sa bagay na ginawa o ginagawa.) Please follow me and check out my #Hugot Poems (Book 2) and my first novel, The Right One, on this link: https://www.wattpad.com/story/81000656-the-right-one. Thanks a lo...