Kung Magkikitang Muli

166 4 2
                                    

Kung magkikita tayong muli,
Maaalala mo kahit sandali
Ang kahapon nating maganda
Pero ipinagpalit mo lang sa iba.

Kung magkikita tayong muli,
Ang sarili mo ay iyong itatali
Sa kahapong ayaw ko ng balikan
At matagal ko nang pinakawalan.

Kung magkikita tayong muli,
Malamang ay iyong itatanggi
Na noon ay nagpakatanga ka
Nang pinili mong iwan ako mag-isa.

Kung magkikita tayong muli,
Hindi mo matatanggap ang aking pagngiti
Kasi malamang iniisip mo pang nasasaktan ako,
Ang bagay na wala na sa 'king diksyonaryo.

Kung magkikita tayong muli,
Ano kaya ang iyong pagbati?
Siguro hindi ka kaagad makakapagsalita
Dahil sa ganda ng aking mukha.

Kung magkikita tayong muli,
Natitiyak kong magsasabi ka uli ng "sorry"
At magsisisi ka sa mga nangyari,
Bagay na hindi na makapagpapabalik
sa atin sa dati.

#Hugot Poems (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon