Ngayon ay pinapalaya na kita,
Dahil 'yon ang sa tingin ko'y tama.
Tagal din kitang ikinulong
Sa isip at puso kong maraming tanong.Pasensya na kung natagalan,
Pangako di na kita guguluhin kailanman.
Patawad pero ayaw ko nang umasa
Na sa buhay ko ika'y babalik pa.Kahit anuman ang mangyari,
Masaya ako sa mga nangyari.
Naramdaman kong minahal mo ako
At ipinaglaban mo hanggat kaya mo.Malaya ka na simula sa araw na 'to,
'Wag mo nang balaking isipin pa ako.
Maging masaya ka sa buhay mo,
Buhay mong hindi kasama ako.'Yan lang ang sa 'yo'y aking hiling,
Maging maligaya ka sa kanyang piling.
'Wag mo na akong pupuntahan
Kasi talagang ika'y aking pagtataguan.Malaya ka na, 'yon na 'yon,
'Wag na nating balikan pa ang noon.
Maglakad tayo ng hindi lumilingon,
Simula bukas, burado na ang ating kahapon.
![](https://img.wattpad.com/cover/81384774-288-k169084.jpg)
BINABASA MO ANG
#Hugot Poems (Book 1)
Poetry(Mga tulang bigla na lang sumagi sa isip dahil sa bagay na ginawa o ginagawa.) Please follow me and check out my #Hugot Poems (Book 2) and my first novel, The Right One, on this link: https://www.wattpad.com/story/81000656-the-right-one. Thanks a lo...