Ang mahal na bilihin ay parang taong pangarap mo,
Masaya kang pinagmamasdan ito,
Kung kailangang pag-ipunan ay gagawin mo
At hahangarin mo talagang mapunta sa 'yo.Oo mahal sya, mataas na klase kasi
At hindi gaya ng nakikita mo sa tabi-tabi.
Nakasisiguro kang pangmatagalan sya
At hindi uubusin ang iyong pasensya.Ipagpapasalamat mo na sya'y nabili mo,
Mahal man sya ay sobrang ayos sa 'yo.
Hindi mo sya ipagpapalit sa kahit kanino
At iingatang hindi masira ng kung sino.Mahal sya pero hindi mo panghihinayangan
Na iyong pinag-ipunan at pinagkagastusan.
Wala naman kasing dapat pagsisihan,
Mahal mo e kaya hindi mo bibitawan.
BINABASA MO ANG
#Hugot Poems (Book 1)
Poetry(Mga tulang bigla na lang sumagi sa isip dahil sa bagay na ginawa o ginagawa.) Please follow me and check out my #Hugot Poems (Book 2) and my first novel, The Right One, on this link: https://www.wattpad.com/story/81000656-the-right-one. Thanks a lo...