Kilala Kita

132 4 1
                                    

Kilala kita kahit ika'y nakatalikod
Kahit pa ako'y harangan ng bakod.
Kilala rin kita kahit nakatagilid ka,
Isang tingin ko lang, matutukoy kita.
Kahit yata ang mga kamay mo lang ang makita ko
Malalaman kong ang mga iyon ay sa 'yo.
Kakaiba lang ako, hindi ba?
Hindi ka man lang ba nagtataka?

Magaling akong magsaulo
Lalo na ng mga bagay na tungkol sa 'yo.
Kung gusto mo, subukan mo pa ako
Para malaman mong nagsasabi ako ng totoo?
Hindi ka naman madaling kilalanin,
Sa katunayan, mahirap ka ngang intindihin.
Gustong-gusto ko lang na ika'y pinapansin
Kapag tungkol sa 'yo, ayaw ko 'yong palampasin.

#Hugot Poems (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon