"Cell Phone"

533 4 3
                                        

Isa kang bagay na hindi ko gustong mawala
Kasi sanay akong lagi kitang dala-dala.
Wala man akong kausap na iba
Pag ginagamit kita, di ko damang ako'y mag-isa.

Hindi naman ako mahilig maglaro.
Sapat na sa akin ang magsulat sa 'yo,
Ang gamitin ka pakikipag-usap sa iba,
At ang makinig sa 'yong mga kanta.

Sa totoo lang, tinalo mo pa ang nobyo
Kasi andyan ka lang pag kailangan ko.
Tanggap mo ang aking pagpapakatotoo
At sinusuportahan mo ako sa mga gusto ko.

Kaya paano na lang kung ika'y mawawala,
Malamang hirap na naman akong pakawalan ka.
Nasa sa 'yo kasi lahat ng mayroon tayo,
Lahat ng mga 'yon ay itinatago mo.

#Hugot Poems (Book 1)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon