Umatake ka na naman kagabi.
Hindi ba pwedeng ika'y isantabi?
Kung kailan gusto ko nang matulog,
Saka naman ang ulo ko'y iyong binibilog.Ang sakit mo lang talaga sa ulo
At ang dating mo'y nakakagago.
Nakapikit na ang aking mga mata
Pero ang diwa ko'y gising na gising pa.Tanggap kong dinadalaw mo ako minsan
Pero sana 'wag na 'wag mong dadalasan.
Kung pwede nga lang 'wag ka nang dumating
Para ako'y makatulog lagi ng mahimbing.
![](https://img.wattpad.com/cover/81384774-288-k169084.jpg)
BINABASA MO ANG
#Hugot Poems (Book 1)
Poetry(Mga tulang bigla na lang sumagi sa isip dahil sa bagay na ginawa o ginagawa.) Please follow me and check out my #Hugot Poems (Book 2) and my first novel, The Right One, on this link: https://www.wattpad.com/story/81000656-the-right-one. Thanks a lo...