Alam mo para kang bola?
Kasi tuwang-tuwa ka na ikaw ang bida.
Masaya kang pinag-aagawan ka
At hindi mo pansin na pagod na sila.Talbog dito, talbog doon,
Gusto mo 'yan kahit pa umaambon.
Para kanino ka ba talaga ha?
Mukha kasing pinaglalaruan mo lang sila.Sari-saring emosyon ang bigay mo
Sa nananalo man o sa natatalo,
Gayundin sa mga hindi naglalaro
At humahanga lang sa pambobola mo.
BINABASA MO ANG
#Hugot Poems (Book 1)
Poetry(Mga tulang bigla na lang sumagi sa isip dahil sa bagay na ginawa o ginagawa.) Please follow me and check out my #Hugot Poems (Book 2) and my first novel, The Right One, on this link: https://www.wattpad.com/story/81000656-the-right-one. Thanks a lo...