Kailangan kita sa bawat linggo
Para hindi laging trabaho ang inaatupag ko.
Maikli o mahabang panahon ka man,
Walang problem basta ika'y aking matikman.Madalas ay dalawang araw ka,
Isang araw para sa 'kin at isang araw para sa iba.
Pero mas masaya kapag higit sa dalawang araw ka,
Ang paggagala sa malayo ay
nagagawa ko pa.Sa bawat pagod ay pangarap kita---
Ikaw na nakakapawi rin ng aking problema.
Dahil sa 'yo, nagkakaroon ng silbi
Ang mabuhay at magtrabaho nang mabuti.

BINABASA MO ANG
#Hugot Poems (Book 1)
Poetry(Mga tulang bigla na lang sumagi sa isip dahil sa bagay na ginawa o ginagawa.) Please follow me and check out my #Hugot Poems (Book 2) and my first novel, The Right One, on this link: https://www.wattpad.com/story/81000656-the-right-one. Thanks a lo...