Natutuwa akong mahal mo ako
Ngunit nalulungkot ako para sa 'yo.
Kaibigan lang, 'yan sa 'yo ang turing ko,
Bagay na alam kong masakit para sa 'yo.Naiintindihan kita pangako 'yan
Kasi alam kong ang puso'y hindi natuturuan.
Mahal naman kita bilang kaibigan
At hindi magbabago 'yon kailanman.Kaibigan, maraming iba dyan
Na iibigin ka at di ka rin iiwan.
Tingin ka lang sa iba pakiusap
Sa 'kin kasi ay di mo 'yon mahahanap.Kung kaya kitang ibigin, ginawa ko na
Ngunit ang puso ko'y nakalaan na sa iba.
Pinili ko mang lumayo sa kanya noon,
Mahal ko pa rin sya hanggang ngayon.
![](https://img.wattpad.com/cover/81384774-288-k169084.jpg)
BINABASA MO ANG
#Hugot Poems (Book 1)
Poetry(Mga tulang bigla na lang sumagi sa isip dahil sa bagay na ginawa o ginagawa.) Please follow me and check out my #Hugot Poems (Book 2) and my first novel, The Right One, on this link: https://www.wattpad.com/story/81000656-the-right-one. Thanks a lo...