Ang buhay ko ay gaya ng isang libro,
Nasa unang pahina ang araw na ipinanganak ako.
Madami na ring pahina ang aking nalalakbay,
Kaya nasasabik ako sa pag-ibig kong tunay.
Alam kong malapit ka ng dumating,
Konting pahina pa at ika'y aking makakapiling.
Sisiguraduhin kong sa mga pahinang kasama ka,
Mapupuno ang mga 'yon ng mga kulay na maganda.
Hindi ko rin hahayaang pilasin lang ng iba
Ang mga pahinang kasama kita.
Ang pagmarka sa mga 'yon ay ipagbabawal ko pa
Para ang mga 'yon ay hindi magmukhang basura.
Gusto kong makapiling ka ng matagal
At sana'y ipahintulot 'yon ng Poong Maykapal.
Nais kong makasama ka hanggang sa huling pahina
Ng aking libro bago ito magsara.
BINABASA MO ANG
#Hugot Poems (Book 1)
Poésie(Mga tulang bigla na lang sumagi sa isip dahil sa bagay na ginawa o ginagawa.) Please follow me and check out my #Hugot Poems (Book 2) and my first novel, The Right One, on this link: https://www.wattpad.com/story/81000656-the-right-one. Thanks a lo...
