Bag

163 4 1
                                    

Hindi ako paiba-iba ng bag,
Kahit ilan lang ay hindi ako nababagabag.
Pero kung papipiliin ako ng laki,
Syempre gusto ko 'yong bag na malaki.
Ayaw ko kasi ng ilang bag ang dala,
Isang bag lang, ako'y masaya na.

Ang aking bag ay parang munting bahay ko
Kasi bawat kailangan ko ay nakatago rito.
Ayaw kong ito'y nawawalay sa 'kin
Sapagkat talagang hindi ko kakayanin.
Ang pakialaman ito ng iba ay ayaw ko rin
Kaya h'wag nyo nang subukang 'yon ay balakin.

#Hugot Poems (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon