Walang Atrasan

86 1 0
                                        

(Dahil sa "Till I Met You," nagawa ko 'to...)

Narinig kong tumibok ang puso ko,
Syempre ito ay dahil sa 'yo.
Dinig na dinig ko ang lundag nya
Kasi sobrang lakas lang talaga.

Kinabahan tuloy lalo ako
Kasi matagal ng gusto ka ng puso ko.
Wala na tuloy atrasan ito
Kasi ako'y hulog na hulog na sa 'yo.

Salamat kasi hawak mo ang kamay ko
Pangakong di rin ako bibitiw sa 'yo.
Ipaglalaban natin ang "tayo"
Sa lahat ng gustong humadlang dito.

#Hugot Poems (Book 1)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon