Bituin

347 9 4
                                    

Isa kang bituin sa aking paningin,
Sikat, maningning, at mahirap abutin.
Mga gaya mo ang nakapaligid sa 'yo
Na malayong-malayo sa kung ano ako.

Ngunit sa kabila ng ating pagitan,
Natuwa ako nang aking malaman
Na andyan ka lang at natatanaw ko
At pwedeng tingalain kahit paano.

Ang kislap mo ay kinaaaliwan ko,
Salamat sa liwanag mong abot ako.
Pero kailan kaya tayo magkakalapit
Gaya ng hiling ng lupa at ng langit?

#Hugot Poems (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon